Nation

PASAY WALANG PASOK SA DIS. 2

/ 29 November 2020

INANUNSIYO ng lokal na pamahalaan ng Pasay na walang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong eskuwelahan sa lungsod sa Martes, Disyembre 2.

Wala ring pasok ang tanggapan ng lokal na pamahalaan, maliban sa mga opisinang may kinalaman sa paghahatid ng basic health services, pagtugon sa mga sakuna at kalamidad, at iba pang mga mahahalagang serbisyo.

Idineklarang Foundation Day of Pasay City ang nabanggit na araw.

Ito ay alinsunod sa Republic Act No. 11140 (An Act declaring December 2 of every year a special nonworking holiday in the city of Pasay to be known as the “Foundation Day of Pasay City”) na pangunahing iniakda ni dating Congresswoman at ngayo’y Mayor Emi Calixto-Rubiano, at nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Nobyembre 9, 2018.

Samantala, nitong Biyernes lang ay isinagawa ng lokal na pamahalaan ang 18th State of the City Children’s Address.

Layunin ng aktibidad na ito na itaguyod ang karapatan ng bawat bata sa lungsod sa panahon ng pandemya.