Nation

PARTNERSHIP NG DEPED SA LGUs, TELCOS LALONG PALAKASIN — SOLON

/ 10 October 2020

INIREKOMENDA ng isang kongresista sa Department of Education na palakasin ang partnership nito sa mga lokal na pamahalaan at telecomnunciations companies upang masolusyunan ang mga problema sa blended learning.

Sinabi ni Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas na dapat makipagtulungan ang DepEd at maging ang Department of Information and Communications Technology sa  telcos para makabuo ng mga programa na magbebenepisyo ang mga estudyante, guro at magulang sa gitna ng implementasyon ng bagong moda sa pag-aaral.

“DepEd should also find ways to bring down the cost of internet access for educational activities,” pahayag ni Vargas.

“It would be better if teachers and students can log on to online class portals for free so cost would no longer be a concern,” dagdag ng kongresista.

Ipinaliwanag ng mambabatas na sa dami ng mga estudyante na gumagamit ng internet connection, dapat madaliin ng gobyerno ang pagkakaroon ng stable at malakas na koneksiyon lalo na sa oras ng klase.

Hinimok din nito ang DepEd na makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan hanggang sa mga barangay para naman sa maayos at ligtas na distribusyon at pangangalap ng learning modules.

“Teachers shouldn’t be made to travel long distances to deliver the modules. Without face to face classes, there should be better coordination between schools and communities on how students can learn best in the ‘new normal,’” diin pa ni Vargas.