Nation

PAOLO BEDIONES KASAMA SA TITSER-BRODKASTER NG DEPED

/ 29 July 2020

NAGSIMULA na ang training ng unang batch ng mga teacher-broadcasters, ayon kay Department of Education Undersecretary Alain Pascua.

Kabilang umano sa mga trainors ay sina Paolo Bediones at iba pang television and radio personalities.

Kamakailan ay naglabas ng memorandum ang DepEd upang hikayatin ang ilang guro sa mga pampublikong paaralan na sumailalim sa isang pagsasanay para makatulong sa kagawaran sa pag-produce ng video at audio episodes na gagamitin para sa blended o distance learning ngayong darating na school year 2020-2021.

“There is a need of 86 to 172 best and brightest teacher-broadcasters who will teach subjects before cameras and microphones for video and audio episodes which will be used via broadcast nationwide,” sabi ni Pascua.

Ayon pa sa nasabing opisyal, nag-issue umano ang DepEd ng listahan ng mga kakailanganing teacher-broadcaster at ang mga subject matter na inaasahan nila na magkaroon ng mastery sa applied subject o grade level.

“A total of 20 competencies or criteria are needed for a teacher-broadcaster to be considered,” dagdag na pahayag ni Pascua.

Maliban sa mga kriteryang ito, dapat din umanong confident, physically at mentally fit, outgoing, creative at socially savvy ang isang applicant. Kinakailangan din na sila’y computer at smartphone literate at may experience sa video o social media content creation, public speaking, speech at drama at may oras para umattend ng mga webinars at training.