Nation

PANUNTUNAN SA PAGTATAYO NG SMART CAMPUSES PINAMAMADALI SA CHED

/ 23 September 2020

HINIKAYAT ni Senador Joel Villanueva ang Commission on Higher Education na madaliin na ang pagbalangkas ng mga panuntunan para sa implementasyon ng mga probisyon sa Baya-nihan 2 na makatutulong sa state universities and colleges sa pagpapatupad ng flexible learning programs, gayundin sa teaching at nonteaching personnel, at mga estudyante.

Sa gitna ito ng kalungkutan ng senador sa pagtapyas ng malaking budget ng mga SUC sa kanil-ang capital outlay para sa 2021 na maaari sanang pagkunan ng pangangailangan sa transition sa flexible learning.

Hiniling ni Villanueva kay CHED Chairman Prospero de Vera III na makipagtulungan sa SUCs para sa P3 bilyong alokasyon para sa smart campuses.

Ipinaalala ni Villanueva na tatlong buwan na lamang ang natitira para sa paggugol ng pondo dahil hanggang Disyembre 2020 ang effectivity ng Bayanihan 2.

“When we proposed this amendment, our vision is to have the fund equally and equitably distrib-uted to all the SUCs as soon as possible, with the least possible bureaucratic processes,” mariing sinabi ni Villanueva.

Nangako naman si De Vera, kasam si Dr. Tirso Ronquillo, pangulo ng Philippine Association of State Universities and Colleges, na magtutulungan upang maibahagi nang maayos ang pondo sa SUCs.

Samantala, inusisa rin ng senador ang plano ng CHED sa pamamahagi ng P300 milyong sub-sidiya at allowances sa mga displaced teaching at nonteaching personnel sa higher education institutions, gayundin ang P600 milyong tulong sa mga kuwalipikadong estudyante sa lahat ng education institutions.

Ipinaalaala ng senador na ang probisyon sa Bayanihan 2 ay bunsod ng mga hiling ng mga guro at mga estudyante na nahihirapan sa online synchronous classes.

Sa pagtaya ni Villanueva, kailangan ng isang estudyante ng P45 kada araw upang manood ng apat na oras na school video materials.