PANUKALANG K+10+2 PROGRAM PAHIRAP DIN SA MGA KABATAAN — LFS
PATULOY lamang na magpapahirap ang panukala ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na K+10+2 program, ayon sa League of Filipino Students.
PATULOY lamang na magpapahirap ang panukala ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na K+10+2 program, ayon sa League of Filipino Students.
Ang K to 12 program ang kasalukuyang nasa ilalim ng curriculum ng Department of Education.
“Dalawag taon na pahirap at gastos ang dulot ng K to 12 sa mga kabataan at kanilang mga pamilya. Kung may 2 additional years pa rin sa K+10+2 ni GMA, K to 12 pa rin ito at mamanahin lang nito ang mga problema ng programa,” sabi ni LFS Chairperson Ivan Sucgang.
“May learning crisis at mental health crisis na kinakaharap ang mga kabataan ngayon. Imbes na mag-isip ng mga solusyon para dito, pinipilit pa ng gobyerno na isalba ang bulok na K to 12 program. What if ibasura na lang ang K to 12?” dagdag pa niya.
Ayon kay Arroyo, magiging iba ang panukala niyang K+10+2 at hindi na ito technical vocational courses dahil magbibigay ito ng foundational college courses na gaya sa Europa upang maging handa sa edukasyon sa unibersidad.
Giit naman ng grupo, kakulangan sa trabaho ang tunay na problema na kinahaharap ng bansa.
“Degree holders nga nahihirapan na maghanap ng trabaho, high school graduates pa kaya? 10% lang ng K to 12 graduates ang nakakahanap ng trabaho, at hindi ito dahil sa curriculum kundi sa kakulangan ng trabaho sa Pilipinas,” ani Sucgang