Nation

PANTAY-PANTAY NA OPORTUNIDAD SA PAG-AARAL PINATITIYAK SA DEPED

/ 7 November 2021

NANAWAGAN si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa Department of Education na tiyakin ang pantay-pantay na oportunidad sa mga bata na makapag-aral kahit nasaang lugar sila ng bansa at anuman ang knailang estado sa buhay.

Ginawa ni Go ang apela kasabay ng papuri sa education sector sa pagsisikap na matiyak ang patuloy na pag-aaral sa gitna ng Covid19 pandemic.

Ito ay makaraang makakuha ang Pilipinas ng five-star rating para sa remote learning readiness sa pag-aaral ng United Nations Children’s Fund.

“Bigyan natin ng konsiderasyon ang marami na walang pambili ng kagamitan, walang access sa internet at walang pambayad sa matrikula dahil nawalan ng trabaho ang kanilang pamilya dulot ng pandemya,” pahayag ni Go.

Nanawagan din si Go sa Department of Information and Communications Technology at iba pang ahensiya na magtulungan upang matiyak ang universal internet access na abot- kaya para sa lahat ng Pilipino.

“We will take this one step at a time so that we can slowly but surely ensure that education continues without compromising the safety of our students,” diin ni Go.

“Amid the ongoing health crisis, we should continue to look for ways to ease the mental, emotional and financial burdens of our students and their families,” dagdag pa ng senador.