PAKIPAG-SEX IWASAN, PAG-AARAL ANG TUTUKAN — CBCP
PINAYUHAN ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga kabataan na tutukan ang kanilang pag-aaral at iwasan ang pakikipagtalik.
PINAYUHAN ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga kabataan na tutukan ang kanilang pag-aaral at iwasan ang pakikipagtalik.
Sa panayam sa isang teleradyo, sinabi ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Committee on Public Affairs, na makabubuting magpokus muna ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral.
“It can wait. Bilang kabataan, mag-focus muna dito, very essential para sa kanila ‘yung pag-aaral nila. Magtapos, magtrabaho, and then have a relationship that will lead to the altar,” pahayag ni Fr. Secillano.
Paalala rin niya na dapat maging mas responsable ang mga kabataan pagdating sa usapin ng pakikipagtalik.
“Ang sa amin ay moral suasion, meaning to say we encourage the young people to be more responsible in the sense that they can have a relationship but refrain from engaging in this so called casual sex,” pahayag niya.
“But of course, ‘yung lipunan natin medyo naging permissive, so nakita natin dito ‘yung mga magulang baka nawalan na rin ng sense of control sa kanilang mga anak tapos ‘yung mga henerasyon ngayon ng mga bata ay masyado silang naging curious sa mga ganitong usapin and they really do it,” dagdag niya.
Ayon sa Commission on Population and Development, tumaas ng 7 porsiyento ang bilang ng mga nanganganak na kabataang may edad 15 at pababa noong 2019.