PAGTUTURO NG WIKA, PANITIKAN PINAGYABONG SA TALAYTAYAN, THE POST WEBINAR SERIES
TATLONG panel discussions at higit dalawampung papel-pananaliksik hinggil sa mga pamamaraan, isyu, at suliraning pampagkatuto’t pampagtuturo ng wika at panitikan ang bumuo sa ikapitong araw ng 2021 International Mother Language Conference and Festival ng 170+ Talaytayan MLE, Inc. at ng The Philippine Online Student Tambayan, noong Sabado, Pebrero 27.
Pinangunahan ni Prop. Eros Atalia ng Pamantasang De La Salle at Executie Director ng The POST, ang tuluyang talakayan bitbit ang unang bahagi ng Maikling Kurso sa Malapitang Pagbabasa ng Panitikan, kawing sa French New Literary Criticism na ‘Close Reading’ at sa lokal na pagpapayaman ni Dr. Ramon Guillermo ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman sa ‘Closer Reading’ at ‘Digital Humanities’.
Inisa-isa ni Atalia ang mga makabagong dulog sa pagtuturo ng wika, panitikan, at malikhaing pagsulat pati ang mga hakbang sa malalimang pagbabasa tungo sa mas pagpapalaya ng isip at pagkakabit ng mga akdang pampanitikan sa kalagayan ng lipunan.
Ilang mga halimbawa niya’y mula sa personal na karanasan bilang mangangatha at peryodista matapos na maging bestseller ng samu’t saring aklatan ang mga akda niyang gaya ng ‘Ligo Na U, Lapit Na Me’, ‘Tatlong Gabi, Tatlong Araw’, ‘Taguan-Pung at Manwal ng Pagpapatiwakal’, ‘Wag Lang Di Makaraos’, at yaong nakaambang isapelikula ngayong taon.
Sinundan siya ng pagbasa ng isang pananaliksik mula sa Russia, hatid ni Ekaterina Baklanova ng Lomonosov Moscow State University na may pamagat na ‘Doon po sa Amin: Russian Experience of Teaching the Philippine Literature‘.
Natatanging karanasan sa pagtuturo ng Panitikang Filipino sa mga dayuhan ang latag ng kaniyang presentasyon na umani ng mga papuri mula sa halos sandaang mga gurong nagsidalo sa kumperensiya.
Samantala, mga teknikal na papel, muli, tungkol sa pagtuturo, ang inilahad nina Nicolas Gaba, Jr. (University of Santo Tomas): ‘Ang Dulog Spiral Progression sa Pagtuturo ng Disiplina ng Filipino (Panitikan) sa Piling Paaralang Pampubliko sa Lalawigan ng Rizal’ at Christine Pavillar Flores (Tungonan Elementary School) at Jaynes Fameronag Flores (Banton National High School): ‘Alikir Poetry Anthology as a Literary Tool for Learning: Fostering the Use of Local Literature in Schools to Develop the Students’ Language Competency’.
Bilang kabilang sa mga pinakamahusay na unibersidad ng mga guro, limang pananaliksik naman ang masugid na binuo ng Philippine Normal-University-Research Center for Teacher Quality, Philippine Science High School System, at University of the Philippines Los Banos.
Kasama rito sina Lilia Habacon, Erick John Marmol, at Aries Oliveros (PSHS System): ‘Innovation Initiatives and Science Education Leadership of Philippine Science High School System’, Nephtaly Joel B. Botor (UPLB): ‘Pintig Adolescent Development Program: Creating Platforms for Adolescent Wellness and Participation Through “Transcend: Youth Rising Up to a Better Normal” Webinars’, Raphael M. Ferre, Katherine Del Rosario (UPLB): ‘Tsikiting Stories: Children’s Storytelling as Health Promotion During Covid19 Pandemic’, at Eric Paul Peralta at Teri-Marie Laude (UPLB): ‘Gender in Emergencies: The UPLB Gender Center Experience in Fostering Awareness on Gender-Related Issues amid the Pandemic’.
Perspektiba ng mga paaralang labas sa Maynila ang isinangkap din ng mga presentasyon nina Christian Lawrence Reyes (Bulacan State University): ‘Analyzing the Views of Language Teachers on Multilingual Practices’, Vida V. Villanueva (Central Mindanao University): ‘Demograpikong Profayl ng mga Guro sa MTB-MLE: Implikasyon sa Pagtuturo ng Unang Wika’, Christian I. Narvacan (PSHS – Central Visayas Campus): ‘The Impact of Mother Tongue-Based Multilingual Education on the English Oral Proficiency of Children in Argao, Cebu’, at Juland D. Salayo (UST): ‘L1 in L2: A Language Resource in a Power-Sharing and Identity-Building Collaborative Writing Group’.
Sinundan ito nina Kathleen F. Sanchez (PSHS – Central Luzon Campus): ‘Use of Contextualized and Localized Modules to Improve the Academic Performance in English, Ian Jarabelo (Cebu Technological University): ‘The Challenges on Teaching Functional English to New Normal: Virtual Stories’, Irvin Sto Tomas (DepEd Camarines Sur: Parasurat Bikolnon: Philippine WikiMedia Community): ‘Scrabble-inspired BNoard Game: An Educational Tool in Promoting Mother Tongue’, Michael Tuliao Tabao (University of Saint Louis Tuguegarao): ‘The Anatomy of Anything: The Design and Reintroduction of Itawit Terminology to Students using Visual Grouping of Infographics’, Rudyard Valacano (DepEd Masbate Province): ‘JUAN TAMA, MTB-MLE Storybooks: Their Effectiveness on Pupils’ Learning’, May Flor C. Rivera (Mariano Marcos State University): ‘Mathematics Workbook in Ilokano for Grade Two’, at Mark Jhon Prestoza (DepEd Division of Isabela-Quirino NHS): ‘3ES (Explore, Enlighten, Exergice) Learning Worksheet: Its Effects to the Academic Performance in Identifying Research Problems Among Senior High School’.
Siksik ang bahaginan sa pagtatapos ng unang linggo ng IMLCF sapagkat ninanais ng Talaytayan at ng The POST na ito ang maging pinakamalaking plataporma sa paglalahad ng mga pananaliksik na makatutulong sa pagtuturo, pagkatuto, pagbalangkas ng mga polisya, at pagpapasa ng mga panukalang batas tungo sa pagtaas ng kalidad ng edukasyon sa Filipinas.