PAGTUTURO NG PHILIPPINE HISTORY SA PANAHON NG WORLD WAR II SA HEIs APRUBADO NA SA KAMARA
LUSOT na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala na magmamandato ng pagtuturo sa higher education institutions ng mga komprehensibong kaalaman hinggil sa Philippine history sa panahon ng World War II.
Sa botong 195-0, inaprubahan sa 3rd and final reading ang House Bill 9850 na substitute bill ng House Bill 5791 o ang proposed World War II in the Philippines Education Act.
Minamandato sa panukala ang pagbuo ng mekanismo upang mabigyang-diin sa pag-aaral ang papel ng mga bayani sa historical development ng bansa at upang palawakin ang kaalaman ng kabataan sa kasaysayan ng bansa.
Layon din nito na buhayin ang nasyonalismo sa kabataang Pilipino sa pamamagitan ng mga kaalaman sa pinagdaanan ng bansa noong World War II.
“A comprehensive study of Philippine History during World War II shall be integrated into and shall cover not less than 50 percent of the mandatory Philippine History being offered under the general education curriculum in higher education courses of all higher education institutions in the country,” nakasaad sa inaprubahang panukala.
Batay sa panukala, mandato ng Commission on Higher Education sa pakikipag-ugnayan sa Department of National Defense ang pagbuo ng syllabus para sa General Education curriculum sa higher education institutions.
“In support of the education on the history of World War II, all higher education institutions are encouraged to keep in their libraries adequate books, resources and reference materials on World War II in the Philippines,” nakasaad pa sa panukala.
Ang CHED din ang inaatasang bumalangkas ng implementing rules and regulations ng panukala.