Nation

PAGTATAYO NG REGULAR CAMPUS NG MINDANAO STATE UNIVERSITY INIREKOMENDA NG CHED

/ 22 May 2021

SA HALIP na bagong state college, inirekomenda ni Commission on Higher Education Chairman Popoy de Vera na isang regular campus na lang ng state university ang itayo sa Oriental Mindoro.

Ginawa ni De Vera ang rekomendasyon sa virtual hearing ng House Committee on Higher and Technical Education kaugnay sa House Bill 8878 na naglalayong magtayo ng state college sa bayan ng Pinamalayan.

Sa pagdinig, sinabi ni De Vera na mas magiging malawak ang saklaw kung regular campus ng Mindoro State University na lamang ang itayo na sinang-ayunan naman ng mga miyembro ng komite.

Ang panukala ay isinusulong ni Oriental Mindoro 1st District Rep. Paulino Salvador Leachon kasunod na rin ng resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan na nananawagan ng pagkakaroon ng pampublikong higher educational institution para matiyak ang pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga estudyante mula sa public high school.

“A good education opens opportunities that ensure a better future. A college education paves the way to brighter career opportunities,” pahayag ni Leachon sa kanyang explanatory note.

Naniniwala ang mga kongresista na ang pagkakaroon ng panibagong higher educational institution sa lugar ay magbibigay ng oportunidad sa kabataan upang maiangat ang kanilang pamumuhay.

Ipinagpaliban naman ng komite ang pag-apruba sa panukala upang pag-aralan pa ang rekomendasyon ni De Vera.