Nation

PAGTATAYO NG PUP-CALOOCAN NORTH ISINUSULONG SA SENADO

/ 27 January 2021

IPINANUKALA ni Senador Sonny Angara ang pagtatayo ng campus ng Polytechnic University of the Philippines sa Caloocan City-North.

Sa kanyang Senate Bill 2013 o ang proposed PUP-Caloocan City-North Campus Act, sinabi ni Angara na panahon nang solusyunan ang kawalan ng state-sponsored tertiary educational institutions sa Metro Manila North upang mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante sa lungsod na makapasok sa state university.

Batay sa 2018 Annual Poverty Statistics sa Caloocan City, 32 sa 1,000 pamilya sa lungsod ang walang sapat na kita para sa kanilang pagkain at iba pang pangangailangan tulad ng damit, bahay, medical care at edukasyon.

Lumitaw rin na 49 sa bawat 1,000 indibidwal ang walang kakayahan na matustusan ang kanilang pangunahing pangangailangan kasama na ang edukasyon.

“Due to extreme poverty and lack of access to education, the Departmnet of Education reported that for every 100 students who begin schooling at Grade 1, only 65 complete elementary school. Of these, only 43 graduate from high school and 23 enter collge, but only 12 students will get a degree,” pahayag ni Angara sa kanyang explanatory note.

Sa panukala ni Angara, ang itatayong PUP-Caloocan City-North Campus ay magbibigay ng short-term technical-vocational, undergraduate at graduate courses.

Una na ring inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 5739 o ang proposed PUP-Caloocan City-North Campus Act.

Ang panukala na iniakda nina Representatives Dale ‘Along’ Malapitan, Mark Go at Isidro Ungab ay naglalayong mabigyan ang mga residente ng lungsod ng oportunidad para sa dekalidad subalit abot-kayang edukasyon.

“The bill aims not only to address the increasing number of out-of-school children and youth in the region but also operates to fulfill a high constitutional demand,” pahayag ni Malapitan.

“It bears mentioning that in Metro Manila North, also known as the CAMANAVA area, there exists not a single state university or college nor a campus thereof which students of this area may access for their tertiary, professional and technical education,” dagdag pa ng kongresista.