PAGTATAYO NG NATIONAL HIGH SCHOOL SA SACOL ISLAND ISINUSULONG
IPINANUKALA ni Zamboanga City 2nd District Rep. Manuel Jose Dalipe ang pagtatayo ng isa pang national high school sa Zamboanga City.
Sa kanyang House Bill 10477, nais ni Dalipe na magkaroon ng national high school sa Barangay Landang Gua, Zamboanga City na tatawaging Sacol Island National High School.
Ipinaliwanag ni Dalipe na ang Sacol Island ay may apat na barangay na kinabibilangan ng Barangay Landang Laum, Barangay Landang Gua, Barangay Busay at Barangay Pasilmanta.
Iginiit ng kongresista na sa pamamagitan ng pagtatayo ng paaralan sa Barangay Landang Gua, mas maraming elementary graduates ang mabibigyan ng pagkakataon na makapagpatuloy ng pag-aaral.
Sa ngayon, upang makapagpatuloy ng secondary education ang mga estudyante ay kailangan nilang bumiyahe hanggang sa pinakamalapit na high school sa Barangays Arena Blanco, Talabaan at Mampang.
“This measure aims to provide Zamboanguenos access to quality education and, at the same time, decongest the overpopulated national high schools in the city,” sabi pa ni Dalipe sa kanyang explanatory note.