PAGTATAYO NG CHED OFFICE SA OCCIDENTAL MINDORO APRUB NA SA HOUSE PANEL
INAPRUBAHAN na ng House Committee on Higher and Technical Education ang panukala para sa pagtatayo ng field office ng Commission on Higher Education sa Occidental Mindoro.
Ang House Bill 8548 ay inihain ni Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato.
Sa kasalukuyan, ang regional office ng CHED para sa MIMAROPA ay nasa National Capital Region.
“The MIMAROPA Region is composed of five provinces across four major islands namely: Provinces of Occidental and Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon and Palawan. The island provinces are always faced with distinct challenges when ito comes to accessing key government services vital to improving our people’s quality of life,” pahayag ng kongresista sa kanyang sponsorship speech.
Sinabi ng mambabatas na sa pagkilala ng Estado sa mahalagang papel ng kabataan sa nation building, dapat tiyakin ng gobyerno na may access ang higher educational institutions students sa serbisyo ng gobyerno para sa dekalidad na edukasyon.
“Education is given priority as part of its goal to pursue social progress and total human development,” paalala pa ng mambabatas.
Alisunod sa panukala, magtatayo ng CHED office sa munisipalidad ng San Jose sa lalawigan ng Occidental Mindoro para sa pangangailangan ng buong rehiyon.
Ang field office ay pangungunahan ng provincial director na itataaga ng CHED chairman.