Nation

PAGTATAYO NG BAGONG SCHOOLS DIVISION SA SAN MIGUEL, ZAMBOANGA DEL SUR LUSOT NA SA HOUSE PANEL

/ 10 May 2021

INAPRUBAHAN na ng House Committee on Basic Education and Culture ang panukala para sa pagtatayo ng hiwalay na schools division office sa San Miguel, Zamboanga del Sur.

Sa virtual hearing ng komite na pinangunahan ni Pasig City Rep. Roman Romulo, nagkasundo ang mga miyembro na aprubahan ang House Bill 6158 na iniakda ni Zamboanga del Sur 2nd District Rep. Leonardo Babasa Jr.

“Schools division offices are the primary support structure in school operations and they exercise direct administrative supervision over schoos. Their functions and activities are geared towards addressing the urgent problems at the school level,” pahayag ni Babasa sa kanyang explanatory note.

Sa pagdinig, nagkaisa ang mga kongresista na dahil sa dumaraming learners at gap sa pagitan ng student at teacher ratio, nahihirapan din ang operasyon ng schools division.

Naniniwala rin si Babasa na sa pamamagitan ng bagong schools division sa bayan ng San Miguel, mas magiging epektibo ang management ng human at material resources ng DepEd sa lalawigan.

Sa pamamagitan nito, mas maipatutupad ang dekalidad na edukasyon at matitiyak ang high academic perfomance sa mga paaralan at estudyante sa lalawigan.

Sa sandaling maging batas ang panukala, mandato ng DepEd na maglaan ng pondo para sa operasyon ng schools division sa ilalim ng kanilang General Appropriations Act.