Nation

PAGSASAAYOS NG PAGTUTURO NG KASAYSAYAN MARCHING ORDER NI PBBM SA BAGONG DEPED SECRETARY

/ 4 July 2024

KINUMPIRMA ni Senador Juan Edgardo Angara na kabilang sa naging tila marching order sa kanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsasaayos ng pagtuturo ng Kasaysayan o History sa mga estudyante.

Sinabi ni Angara na nais nilang maging interesting o kaaya-aya sa mga estudyante ang pag-aaral ng kasaysaysan bukod sa dapat itong nauunawaan at hindi lamang panay ang pagkakabisado.

Nais ding tutukan ng incoming DepEd Secretary ang pagpapatuloy sa pagsasaayos ng curriculum sa basic education at ang pagbabawas ng teaching loads ng mga guro.

Sa gitna ng mga ito, aminado si Angara na malaking hamon sa kanya ang nakatakda niyang panunungkulan bilang kalihim ng DepEd.

Dahil dito, hihingi, aniya, siya ng tulong sa mga eksperto sa larangan ng edukasyon at maging sa mga dating nanilbihan na bilang DepEd Secretary.

Hihilingin din niya ang payo ng mga dati na rin niyang nakasama sa Senado at naging bahagi na ng Gabinete.