PAGPAPAREHISTRO SA MGA KABATAANG MAGPAPABAKUNA PINASISIMULAN NA
IMINUNGKAHI ni Barangay Healthworkers o BHW Partylist Rep. Angelica Natasha Co na ngayon pa lang ay isaayos na ang pagpaparehistro ng mga kabataang nais magpabakuna.
Sinabi ni Co na dapat pinaplano nang maigi ang mga proseso sa pagbabakuna sa mga minor sa gitna na rin ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid19.
“I make the simple suggestion to the NTF, IATF, DOH, DepEd, CHED, and DSWD that they start, as early as now, building an inventory of 12 to 17 year-olds who should be prioritized for Covid vaccines,” pahayag ni Co.
“Prioritized and matched to specific vaccines of Filipino youths is key. Pre-registration with prioritization, so please identify the 12 to 17 kids who are PWDs, have special needs, have co-morbidities, and are part of single-parent households. They should be first priority among the 12 to 17 age bracket,’ dagdag pa ni Co.
Sinabi ng mambabatas na dalawa hanggang tatlong buwan na lamang ang nalalabi bago simulan ng mga ahensiya ng pamahalaan ang pagpaparehistro sa mga kabataan at sumailalim sa pagpapakonsulta sa mga doktor.
“October and November are two to three months away, so the concerned agencies should start pre-registration of these priority groups and have them consult their doctors in person or via telemedicine consultation. The families of these target youth groups should be provided all the needed information about every available vaccine and protect them against misinformation, fake news, and disinformation about Covid vaccines,” paliwanag pa ng mambabatas.
“Ngayon pa lang, simulan na dapat ng mga kinauukulang ahensya ang separate Covid pre-registration ng mga batang 12 to 17 years old, hindi ‘yung kung kailan nariyan na ang bakuna saka pa lang magpapa-register. That is inefficient, non-anticipatory governance. Matuto na dapat ang mga ahensiya ng pamahalaan sa mga aral ng karanasan,” sabi pa niya.
Idinagdag ng kongresista na ang mga mas bata sa 12-anyos ay dapat na mabigyan ng influenza at measles vaccines para sa dagdag na proteksiyon habang hinihintay pa ang FDA-approved vaccines para sa mga ito.