PAGPAPALAWIG NG F2F CLASSES TULOY SA KABILA NG BANTA NG OMICRON — DEPED
TULOY pa rin ang pagpapalawig ng face-to-face classes sa kabila ng banta ng Omicron Covid19 variant, ayon kay Department of Education Secretary Leonor Briones.
TULOY pa rin ang pagpapalawig ng face-to-face classes sa kabila ng banta ng Omicron Covid19 variant, ayon kay Department of Education Secretary Leonor Briones.
“So, tuloy pa rin tayo,” sagot ni Briones nang tanungin kung itutuloy ang pagpapalawig ng in-person classes sa susunod na taon.
Aniya, tuloy-tuloy pa rin ang pagsasagawa ng limited face-to-face classes kahit pa may bagong Covid19 variant.
“My answer was, that ‘we will proceed’ because Omicron is not here, we cannot wait for Omicron to come in and then we will cancel face-to-face again,” sabi ng kalihim.
“The news so far gives some measure of comfort and hope coming from the experts that Omicron may not be as dangerous or as vicious as the earlier versions,” dagdag pa niya.
Iginiit naman ni Briones na wala pang naitalang kaso ng Covid19 magmula nang magsagawa ng in-person classes sa mga piling eskuwelahan.
“During the conduct and until now, we don’t have cases of Covid infections in the pilot schools and that is very, very good news,” ani Briones.
“Omicron, as far as we know, has not entered the Philippines,” dagdag pa niya.