Nation

PAGLOBO NG TEENAGE PREGNANCY PINABUBUSISI SA KAMARA

/ 6 March 2021

NAALARMA na rin si Paranaque City Rep. Joy Myra Tambunting sa dumaraming kaso ng teenage pregnancy sa bansa.

Dahil dito, hinikayat ni Tambunting ang kaukulang komite sa Kamara na magsagawa ng investigation in aid of legislation sa pagtaas ng kaso ng adolescent pregnancies.

Sa House Resolution 1608, tinukoy ni Tambunting ang report ng Commission on Population and Development na tumaas ng pitong porsiyento ang adolescent pregnancy noong 2019 kumpara noong 2018.

Sa tala, 64,000 minors o nasa edad 18 pababa ang nanganganak kada taon kasama ang 40 hanggang 50 Filipino children na may edad 10 hanggang 14 na nagsisilang ng sanggol kada linggo.

“Early pregnancies force girls to assume adult roles while their bodies are not ready for it, exposing them to a greater risk for childbirth complications and systematic infections and thier infants to the risk for severe neonatal conditions,” pahayag ni Tambunting sa kanyang resolution.

Binigyang-diin pa ng kongresista na batay rin sa ulat ng World Health Organization, ang kumplikasyon sa panganganak ay nagiging dahilan ng kamatayan ng mga 15 hanggang 19-anyos na babae sa buong mundo.

Sa pinakahuling tala ng Civil Registry Statistics ng Philippine Statistics Authority, dalawang 10-anyos na babae mula sa National Capital Region at Calabarzon ang kasama sa mga nanganak.

“There is an urgent need to assess and review current government policies and programs towards addressing this national social emergency and likewise protect and promote the health and welfare of youngn women,” dagdag pa ni Tambunting.