PAGLOBO NG KASO NG BULLYING SA ISKUL KINONDENA NG CBCP
DAPAT tugunan agad ang insidente ng bullying sa mga eskwelahan, ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.
Sa isang pahayag, sinabi ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Youth (ECY), na ang pagdami ng insidente ng bullying sa mga paaralan sa Pilipinas ay dapat maging alalahanin ng mga Pilipino.
“We are saddened by the information about the increase of bullying incidents in our country. It is not only an educational problem. It should be a concern for all,” ani Alarcon.
“We call on everyone, as we commit ourselves, to raise awareness and promote a culture of safety, of peace and solidarity. This is a call to go back to the family, the school and our small communities,” dagdag pa niya.
Sa pagdinig ng Senado sa pagpapatupad ng anti-bullying law noong nakaraang linggo, iniulat na hindi bababa sa pito sa bawat 10 estudyante sa mga pampublikong paaralan ang dumanas ng pambu-bully.
Batay sa tala ng Department of Education, tumaas ang kaso ng bullying mula nang magkabisa ang anti-bullying law noong 2013 dahil mas maraming tao ang nagsimulang mag-ulat ng bullying, lalo na sa mga eskuwelahan.