PAGLALAGAY NG SAFETY SEAL SA MGA ISKUL ISINUSULONG NG DEPED
NAIS ng Department of Education na maglagay ng safety seal sa mga eskuwelahan, ayon kay DepEd Planning Service Director Roger Masapol.
NAIS ng Department of Education na maglagay ng safety seal sa mga eskuwelahan, ayon kay DepEd Planning Service Director Roger Masapol.
Binigyang-diin ni Masapol na ang pagkakaroon ng safety seal ay nagpapakita na nakasusunod ang mga paaralan sa health at safety protocols.
“Iyong pagbibigay ng safety seal ay gagawin natin ito para ipakita na ang school natin, kahit ‘di pa sila magpa-pilot [in-person classes], ay ready na sa next phase, iyong expansion,” sabi ni Masapol.
Paglilinaw ni Masapol, hindi lahat ng may safety seal ay nagsasagawa ng limited face-to-face classes.
Nakatakdang magsimula ang limited face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa Nobyembre 15 habang sa Nobyembre 22 naman sa mga pribadong eskwelahan.