Nation

PAGLABAG SA KARAPATAN NG MGA KATUTUBO INALMAHAN

/ 9 February 2021

MISTULANG nilabag ng mga estudyante  at katutubong militanteng grupo ang health protocols laban sa Covid19 nang magsagawa ng  mass gathering ang mga ito sa harapan ng gate ng Camp Crame at Aguinaldo sa Quezon City para iprotesta ang umano’y paglabag sa karapatan ng mga katutubo at red-tagging.

Ang mga grupo ay kinibibilangan ng Sandugo, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Movement of Moro and Indegenous People for Self-determination, Katribu at Karapatan.

Iprinotesta ng mga ito ang pagkamatay ng  siyam na myembro ng katutubong Tumandok sa operasyon ng pulis at militar laban sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army sa Capiz at Iloilo noong Disyembre 30, 2020.

Ipinanawagan din nila ang pagpapalaya sa 16 na katutubo na inaresto sa naganap na operasyon.

Magugunitang nagsagawa ng simultaneous law enforcement operation ang pulis at militar sa bayan ng Calinog sa Iloilo at Tapaz sa Capiz, bitbit ang 28 search warrant kung saan nanlaban umano ang 9 na napatay na suspek at nakunanan pa ng mga iligal na armas ang mga naaresto sa operasyon.