PAGKAWALA NG PERA SA BANGKO NG ILANG GURO INIIMBESTIGAHAN NA NG NBI
SINISIYASAT na ng National Bureau of Investigation ang pagkawala ng pera sa bangko ng ilang guro dahil sa umano’y phishing scam.
“The NBI is already looking into phishing of bank accounts on a broader scale, but I am minded to issue a separate directive to the NBI in the case of the teacher victims,” ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.
Sinabi ng Teachers’ Dignity Coalition na nakatanggap sila ng mga ulat na may mga guro na nawalan ng pera sa kanilang Landbank payroll account matapos na ilipat ito sa ibang bangko o electronic wallets.
Nasa P26,000 hanggang P121,000 bawat isa ang nawala umanong pera sa mga guro.
Iniimbestigahan na rin ng Landbank ang insidente.
“According to the initial investigation by Landbank, the devices of the teachers were hacked via phishing which compromised their personal information,” ayon sa bangko.