PAGCOR MAGPAPATAYO NG SCHOOL BUILDINGS
BILANG pagtupad sa commitment sa pagpapalakas ng socio-civic activities, inilatag ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang kanilang flagship projects.
Isa na rito ang pagpapatayo ng iba’t ibang school buildings kasama ang e-Learning Centers para makasabay sa pamamaraan ng pagtuturo.
Sa isang press conference, sinabi ni PAGCOR Vice President Ramon Stephen Villaflor na bukod sa pagpapatayo ng mga school building, popondohan din ng PAGCOR ng P2 milyon ang pagbili ng kagamitan para sa Molecular Biotechnology and Microbiology Laboratory sa Don Mariano Marcos Memorial State University; P4.19 milyon ang pagbili ng iba’t ibang medical equipment; P40 milyon ang konstruksiyon ng 4-storey school building sa Francisco Henson Elementary School; at P17.87 milyon ang konstruksiyon ng 2-storey, 6-classroom building sa Nilasin 1st Elementary School.
Samantala, pinag-aaralan din ng PAGCOR na buhayin ang kanilang planong scholarship program na naudlot sa nakaraang administrasyon makaraang tanggihan ng Department of Education ang nasabing programa.
Kabilang sa mga humarap sa press conference na itinaguyod ng Philippine Information Agency, sa pangunguna ng kanilang director general na si Mr. Joe Torres, sina Catalino Alano Jr., Eric Balcos, at Carmelita Valdez na pawang may ranggong assistant vice president at Atty. Renfred C. Tan, Senior Manager ngOffshore Gaming Licensing Deparment ng PAGCOR.