PAGBUO NG MEDICAL EDUCATION COUNCIL LUSOT NA SA KAMARA
INAPRUBAHAN na sa 3rd and final reading ang panukala na nag-aamyenda sa Medical Act of 1959 at nagsusulong ng pagbuo ng Medical Education Council.
Sa botong 236 na pabor at anim na hindi pabor, inaprubahan sa final reading ang House Bill 9061 o ang proposed Physician’s Act na tumatayong substitute bill para sa House Bills 1103, 1443, 6573 at 7540.
Layon ng panukala na mai-upgrade ang basic medical education, medical internship at post-graduate medical education at training; ang pagkakaroon ng physician’s licensure examination at licensure at registration of physicians.
Target din ng panukala na magkaroon ng national professional organization para sa lahat ng physicians at kilalanin ang patient welfare at partient safety bilang primary consideration sa practice ng medisina.
Batay sa panukala, bubuo ng Medical Education Council at Medical Degree Program sa ilalim ng Commission on Higher Education.
Pangunahing tungkulin ng konseho na magbigay ng awtorisasyon at kilalanin ang mga bagong medical school, magtakda ng minimum requirements para sa physical facilities ng medical colleges tulad ng buildings, hospitals, equipment and supplies, apparatus, instruments, appliances laboratories at bed capacity.
Ang Medical Education Council din ang mangangasiwa sa registry ng medical students na naka-enroll sa medical colleges at magsasagawa ng trace studies sa medical graduates ng hanggang limang taon.