Nation

PAGBUHAY SA ROTC SUPORTADO NG AFP

/ 27 May 2021

NANINIWALA ang isang opisyal ng Armed Forces of the Philippines na malaking tulong sa pagdisiplina sa kabataan ang pagbabalik ng Reserve Officers’ Training Corps.

Sa pagdinig ng Commission on Appointments sa nominasyon ng 50 opisyal ng militar, sinabi ni Commodore Antonio Palces, AFP deputy chief of staff for education, training and doctrines, na pabor sila sa pagbuhay ng ROTC.

Ginawa ni Palces ang pahayag kasunod ng pagtatanong ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa gitna na rin ng mga aksiyon ng China sa West Philippine Sea.

“I strongly believe that ROTC instills discipline among the youth which is needed for a strong country. The students learn lessons as far as military things are concerned and if ever push comes to shove, we have a ready reserve who can assist the Armed Forces regulars in any capacity that they can,” pahayag ni Palces.

Nakabimbin pa sa Kongreso ang panukala para sa Mandatory ROTC program sa pampubliko at pribadong senior high school sa buong bansa subalit nakapaloob ang ROTC sa National Service Training Program.

Matapos ang ilang oras na pagdinig, inaprubahan ng CA ang nominasyon at ad interim appointments ng 50 opisyal ng AFP.