PAGBUBUKAS NG KLASE TULOY SA AGOSTO
TULOY na tuloy na ang pagbubukas ng klase sa Agosto 22 para sa School Year 2022-2023, ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio.
TULOY na tuloy na ang pagbubukas ng klase sa Agosto 22 para sa School Year 2022-2023, ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio.
Ginawa ni Duterte-Carpio ang pahayag nang tanungin ng mga mamamahayag hinggil sa panawagan ng ilang grupo na iurong sa kalagitnaan ng Setyembre o unang linggo ng Oktubre ang pagbubukas ng klase para sa susunod na school year nang sa gayon ay mabigyan ng sapat na panahon ang mga guro na makapaghanda para sa in-person classes
“’Yun pong pagbubukas ng school year ay na-approve na po ng Pangulo. Meron na po itong Department Order 34. So, tutuloy na po tayo doon,” wika ni Duterte-Carpio.
Sinabi rin ng bise-presidehte na bukas siya sa pakikipag-usap sa mga guro at iba pang stakeholders para sa ikagaganda ng kalidad ng edukasyon sa bansa at kapakanan ng nakararami.
“Wala pong problema ang gobyerno sa pakikipagdayalogo sa lahat po ng stakeholders lalong-lalo na po ng Department of Education, sa amin pong mga partners in delivering quality education dito sa ating bansa,” ani Duterte-Carpio.
“During the presentation namin sa cabinet meeting, sinabi ko lagi doon sa ating Pangulo at sa ibang cabinet members na sa amin pong pagtatrabaho sa Department of Education, we’re always in the spirit of diplomacy. Kaya nga po napasok doon ang full online classes dahil ito ay isa sa mga requests ng private schools,” dagdag pa ng kalihim.