Nation

PAGBILI NG MGA GURO NG ‘READY-MADE RESEARCH’ PINABUSISI SA DEPED

/ 26 January 2021

PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Win Gatchalian sa Department of Education ang iniulat ng The POST na pagbili umano ng mga guro ng ‘ready-made’ research papers para sa kanilang promosyon.

“The Department of Education should immediately probe incidents of teachers allegedly buying ready-made action research papers for promotion or funding,” pahayag ni Gatchalian.

“These unethical practices show lack of integrity and should not be tolerated. I am also urging the department to institute mechanisms that would thoroughly vet research output submitted by teachers,” diin pa ng senador.

Tulad ng naunang pahayag ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro sa The POST, iginiit ni Gatchalian na dapat na ring bawasan ang workload ng mga guro upang bigyan sila ng panahon sa kanilang research papers.

“Prior to the pandemic, they are already burdened with non-teaching tasks and the shift to distance learning proved overwhelming,” paliwanag ng senador.

Muling iginiit ng mambabatas na panahon na upang palakasin pa ang kalidad ng teacher education and training sa bansa na pangunahing layunin ng kanyang Senate Bill No. 1887 o Teacher Education Council Act.

Sinabi ni Gatchalian na sa pagrereporma ng teacher education and training, dapat na simulan ito sa pre-service hanggang in-service at tiyaking ang mga guro ay may sapat na kakayahan at kaalaman, kasama na ang pagbuo ng sariling dekalidad na research.