Nation

PAGBILI NG DEPED NG MGA SASAKYAN IDINEPENSA

/ 1 November 2020

DINEPENSAHAN ng grupo ng non-teaching personnel ang pagbili ng Department of Education ng 254 units ng Mitsubishi pick-up na nagkakahalaga ng P1.4 milyon bawat isa.

Ayon kay Atty. Domingo Alidon, pangulo ng Department of Education-National Employees’ Union, binili ang mga sasakyan bago pa man ang pademya kung saan gagamitin ang mga ito sa disaster response, pagmo-monitor sa mga school building, pati na rin sa mga paaralan na nasa remote areas.

“Let it be known to everyone that the purchase of these vehicles were made even prior to pandemic,” paliwanag ni Alidon.

“So, it is timely that these vehicles can be put in advantage, you know, position to the effect that DepEd can utilize these for the delivery of learning modules. I heard that other division offices are already using these vehicles for the delivery of modules,” dagdag pa niya.

Sa halip na batikusin, dapat pa aniyang pasalamatan ang pamunuan ng ahensiya sa pagbili sa mga sasakyan na ito dahil gagamitin naman ito para lalo pang mapabilis ang paghahatid ng dekalidad na edukasyon sa lahat ng mga mag-aaral.

“In such a case, we appreciate the management for purchasing these kind of vehicles. That can be of big help for the delivery of modules and other purposes,” sabi ni Alidon.

Ayon pa kay Alidon, masyado lang pinopolitika ang isyu na ito ng ilang grupo at indibiduwal para lamang sa pansarili nilang interes.

“With or without these vechicles, there are already issues on Magna Carta benefits of the teachers,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Alidon na may mga benepisyo na naresolba na ng kasakukuyang administrasyon at ito ay naipasa na sa Department of Budget and Management.

Ayon kay Alidon, sa tinagal-tagal ng panahon ay  ngayon lang bumili ang DepEd ng ganyan karaming sasakyan para ipamigay sa halos lahat ng division offices.

“I think we should be thankful to the Secretary, instead of blaming her for the purchase of these vehicles,” dagdag ni Alidon.