Nation

PAGBEBENTA NG VAPORIZED NICOTINE PRODUCTS IPAGBAWAL SA MALAPIT SA PAARALAN — SENADOR

/ 22 December 2020

UPANG matiyak na maiiwas ang mga estudyante o ang mga kabataang nasa edad 18 pababa sa paggamit ng vaporized nicotine products, isinusulong ni Senador Ralph Recto ang pagbabawal sa pagbebenta at distribusyon nito malapit sa school premises.

Sa Senate Bill 1951  o ang proposed Vaporized Nicotine Products Regulation Act, nais ni Recto na i-regulate ang importasyon, paggawa, pagbebenta, packaging, distribusyon at paggamit ng vapor products at heated tobacco products.

“Vaporized Nicotine Products refer to a category of novel consumer goods that generate nicotine-containing or non-nicotine containing aerosol without combustion or burning. This product category embraces both heated tobacco products and vapor products,” pahayag ni Recto sa kanyang explanatory note.

Nakasaad sa panukala ang minimum age restriction na 18 years old para sa access sa produkto upang matiyak na mga adult lamang ang makagagamit nito.

Kailangang magpakita ng government-issued identification card ang buyer ng produkto bago payagang makabili nito.

Alinsunod sa Section 9 ng panukala, ipagbabawal ang pagbebenta o distribusyon ng vaporized nicotine products sa loob ng 100 metro mula sa mga paaralan, palaruan at iba pang pasilidad para sa mga kabataan.

Batay rin sa panukala, ipagbabawal ang paggamit ng vaporized nicotine products sa mga paaralan, ospital, government offices at facilities para sa mga minor.

“It further limits to designated vaping areas, the use of these products in indoor facilities and in other specific places that are open to the general public,” dagdag pa ni Recto.

Ang mga lalabag ay papatawan ng multang mula P150,000 hanggang P500,000 o pagkakulong na hindi lalagpas sa limang taon.