Nation

PAGBABAWAL SA RETRENCHMENT SA MGA GURO SA BAYANIHAN 2 EPEKTIBO PA RIN

/ 2 July 2021

UMIIRAL pa rin ang ilang probisyon sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act kahit napaso na nitong Hunyo 30 ang batas.

Ipinaalala ni Senador Sonny Angara, pangunahing sponsor sa Senado ng Bayanihan 2, na tuloy pa rin ang pagiging epektibo ng probisyon na nagbabawal sa mga pribadong paaralan, kolehiyo at unibersidad na magtanggal ng mga empleyado.

Ito ay para sa mga private educational institution na tumatanggap ng grant sa gobyerno.

Ang pagbabawal sa retrenchment ay sa loob ng siyam na buwan simula nang matanggap ang grant.

Tuloy-tuloy rin ang probisyon para sa kompensasyon sa mga healthworker na patuloy na nagsasakripisyo para sa kaligtasan ng mamamayan.

“The battle against Covid19 and its variants does not end with the expiry of these laws so we must continue to provide support to our health workers at least until the state of national emergency is lifted by the President,” pahayag ni Angara, chairman ng Senate Committee on Finance.

Kasama rin sa magpapatuloy na probisyon ng batas ang financial relief sa agrarian reform beneficiaries, ang waiver sa lahat ng permits at licenses, kabilang na ang local government permits, licenses, clearances at registration requirements na tuloy-tuloy hanggang September 2021.

Tinitiyak din sa batas na hindi magkakaroon ng phaseout sa anumang modality ng public utility vehicle.