Nation

PAGBABALIK-ESKWELA UNANG HAKBANG SA PAGBABALIK SA NORMAL — LAWMAKER

/ 28 July 2021

IPINAALALA ni Senadora Grace Poe na ang pagbabalik sa paaralan ang unang hakbang para sa pagbabalik ng normal na buhay sa gitna ng Covid19 pandemic.

Dahil dito, iginiit ni Poe na dapat na inilatag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang back-to-school program para sa Setyembre.

“For our children, this is their chance to catch up on the learning and experiences they’ve missed out on with friends and teachers. But are we ready? Are the teachers vaccinated? Are the protocols in place? Will our children be safe?” mga tanong ni Poe bilang reaksiyon sa State of the Nation Address ni Pangulong Duterte nitong Lunes.

“Of course not everyone will be able to physically go back to school. What happens to them?” dagdag pa ng mambabatas.

Hinahanap din ng senadora ang impormasyon hinggil sa internet situation sa bansa na mahalaga para sa ipinatutupad na distance learning.

“We were hoping to hear about how the internet situation would be improved, or whether or not teachers and students would be compensated for the load they need to connect to class. Even in the midst of a pandemic, it’s important that educationally, no one gets left behind,” pagbibigay-diin pa ni Poe.

Ayon kay Poe, bukod sa mga accomplishment ng administrasyon, dapat ay mas nailatag sa SONA ang mga nais pa nitong gawin para sa bansa, partikular sa usapin ng trabaho, edukasyon at kalusugan.

“As this is his last SONA, the President should not only have focused on what he has accomplished but rather what he still wishes to accomplish to safeguard the future of our country in terms of jobs, education, and healthcare. That in my opinion would leave a message of hope and a better legacy for our people,” dagdag ng senadora.