Nation

PAGBABAKUNA SA MGA KABATAAN IGINIIT

/ 10 August 2021

NANAWAGAN sina Senadora Nancy Binay at Risa Hontiveros sa National Task Force for Covid19 na bumalangkas ng makatotohanang hakbangin sa plano nitong saklawin na rin ng pagbabakuna ang kabataan.

Binigyang-diin ni Binay na sa ngayon ay tanging Pfizer-BioNTech ang bakunang inirerekomenda para sa kabataan subalit kapos ang suplay nito sa merkado.

“Agree ako na mabakunahan din ‘yung mga bata, at suportado ko ‘yung initiative na mas maraming age groups ang mabigyan ng bakuna,” pahayag ni Binay.

“Baka kasi paasahin na naman ang marami sa wala. The focus should be directed to the vulnerable sectors,” dagdag ng senadora.

Ipinaalala pa ng senadora na marami pang economic frontliners tulad ng jeepney at bus drivers, street vendors, gayundin ang mga seniro citizen at mga may comorbidities ang hindi pa nababakunahan.

“I just hope that the Inter-Agency Task Force and Department of Health can manage people’s expectations with regard the availability of vaccines. So, let’s be more practical and realistic,” sabi ni Binay.

Kinatigan naman ni Hontiveros ang pahayag ni Binay sa pagbibigay-diin na mahalagang prayoridad ang kaligtasan ng kabataan.

Inirekomenda rin niya sa mga manufacturer na pagtuunan din ng pansin ang pediatric trials para maresolba ang safety issues kaugnay sa paggamit ng bakuna sa kabataan.

“So far, the World Health Organization has confirmed that only one brand is suitable for use on people aged 12 and above, and such brand should be made available to the children who are at high risk,” pahayag ni Hontiveros.

“We expect our government authority to be diligent and to anticipate needs, including budget and procurement requirements for suitable vaccines, once children are included in our national vaccination program roll-out,” dagdag ng senadora.