Nation

PAGBABAKUNA SA KABATAAN SIMULAN NA — SENADOR

/ 29 July 2021

NANAWAGAN si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa InterAgency Task Force na simulan na ang pagbabakuna sa kabataan.

Sinabi ni Zubiri na dapat gayahin na rin ng Pilipinas ang ginagawa sa ibang bansa na binabakunahan na ang kabataan para unti-unti nang makabalik sa normal ang pamumuhay.

Ayon sa senador, maging ang mga bata ay tinatamaan din ng Covid19 Delta variant.

“Lalo na sa Delta variant, ang mga bata ay tinatamaan. Sa Estados Unidos po nagsimula na sila ng pagbabakuna sa 5 years and above,” pahayag ni Zubiri.

“Baka puwede na nating simulan sa kabataan dahil sa study sa Delta variant, pati sila tinatamaan,” dagdag pa ng senador.

Sinabi naman ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na dapat nang buksan para sa lahat ng mga gusto ang pagpapabakuna laban sa virus.

Ito ay upang mas marami ang mabigyan ng bakuna at huwag nang hintayin pa ang mga nagdadalawang-isip na magpabakuna.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Zubiri na batay sa kinomisyon niyang survey ng Pulse Asia, 46 percent ng taumbayan ang nagsabi na hindi sila lalabas ng kanilang bahay sa araw ng eleksiyon kung magpapatuloy ang Covid19 pandemic.