PAGBABAKUNA SA 5-11 ANYOS PINAMAMADALI
IGINIIT ni Senador Panfilo Lacson na dapat nang madaliin ng gobyerno ang proseso sa pagbabakuna sa mga batang may edad 5 hanggang 11 kontra Covid19.
Ito ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng virus lalo na sa mga bata.
Hinimok din ni Lacson ang gobyerno na palakasin ang mass testing, mass contact tracing at mass booster shots.
Bukod ito sa panawagan na panatilihin ang pagsunod sa minimum health protocols kabilang ang pagsusuot ng face mask, pag-iwas sa matataong lugar at palagiang paghuhugas ng kamay.
“Mask, Iwas, Hugas. On top of that, national and local governments must embark on an aggressive mass testing, mass contact tracing and mass booster shots. The process to vaccinate 5-11 year-olds must be accelerated,” pahayag ni Lacson.
Sa ngayon ay nasa self-isolation si Lacson makaraang ma-expose sa kanyang anak na nagpositibo sa Covid 19 at habang hinihintay ang resulta ng kanyang RT-PCR test.
Kinumpirma rin ni Lacson na nagpositibo sa virus ang kanilang kasambahay at driver habang ilang kaanak pa ang nagpapakita ng sintomas.