PAALALA NG DOJ SA MGA GURO: CORPORAL PUNISHMENT BAWAL
PINAALALAHANAN ng Department of Justice ang mga guro na ipinagbabawal ang corporal punishment sa mga eskwelahan kasabay ng pagkondena sa anumang karahasan at pang-aabuso sa mga bata.
PINAALALAHANAN ng Department of Justice ang mga guro na ipinagbabawal ang corporal punishment sa mga eskwelahan kasabay ng pagkondena sa anumang karahasan at pang-aabuso sa mga bata.
“Child abuse in any form is an abhorrent violation of children’s rights and a crime that should never be tolerated,” ayon sa DOJ.
Ginawa ng DOJ ang pahayag matapos ang kaso ng isang guro sa Antipolo City na umano’y nanampal sa isang estudyante na namatay ilang araw pagkatapos ng insidente.
Ayon sa ina ng estudyante, hinawakan ng guro ang kwelyo ng kanyang 14-anyos na anak, hinila ang buhok nito at sinampal dahil sa pagrereklamo sa mga kaklase na maingay.
“The DOJ would like to remind teachers/educators that they hold a position of trust and responsibility in a child’s life,” sabi pa ng ahensiya.
Inatasan na rin ng DOJ ang Office of the City Prosecutor ng Antipolo City na makipag-ugnayan sa mga law enforcement agencies sa imbestigasyon at case build-up sa anumang pagkakasala na maaaring nagawa laban sa estudyante.
Kasalukuyang naka-leave ang guro at maaaring ma-dismiss dahil sa pang-aabuso sa estudyante, ayon sa Department of Education.