P8-M AYUDA NG USAID SA OUT-OF-SCHOOL YOUTH
UPANG matustusan at mapabalik sa pag-aaral ang mga out-of-school youth, gagamitin ng iba’t ibang unibersidad ang P8 milyong ayuda mula sa Estados Unidos.
Target ng USAID grant na palakasin pa ang mga programa sa higher education para sa mga out-of-school youth sa bansa.
Ayon sa US Embassy sa Pilipinas, para sa apat na higher education institutions ang nasabing grant.
Kasama sa mga benepisyaryo ang De La Salle-College of Saint Benilde at Ferndale College na tumanggap ng tig-P2.5 milyon para sa mga proyekto nito na kaugnay ng mga out-of-school youth at food security.
Kapwa tumanggap naman ng P1.5 milyon ang Quezon City University at School of Knowledge for Industrial Labor, Leadership, and Service, Inc. sa Cebu City para rin sa mga out-of-school youth.
Ang nasabing grant ay nasa ilalim ng programang Opportunity 2.0 ng USAID kung saan aabot na sa 70,000 kabataan ang nakinabang sa pamamagitan ng mga technical-vocational program ng TESDA at Alternative Learning Syste ng Department of Education.