Nation

P731-M PARA SA EDUKASYON INILAAN NG CENTRAL LUZON

/ 8 August 2020

NANGAKO ang mga lokal na pamahalaan ng Central Luzon na titiyakin nila na magkaroon ng dekalidad na edukasyon sa kabila ng pandemya.

Umabot sa P731 milyon ang kabuuang pondo na inilaan para sa 20 School Division Offices sa Central Luzon bilang suporta sa Learning Continuity Program ng Department of Education sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24.

“The Regional Office expresses its gratitude for all the support given in all Schools Division Offices by the stakeholders in education. Indeed, it takes a whole village to raise a child. Special mention is the big support extended by our congressmen/women, governors, mayors, and barangay captains who continuously support the public schools and the programs, projects, and activities of the DepEd RO3,” pahayag ni Regional Director Nicolas Capulong.

Mayroon ding Self-Learning modules na gagamitin para sa mga mag-aaral at magkakaroon din ng karagdagang tulong pinansiyal ang mga lokal na pamahalaan para sa iba pang learning modalities gaya ng online learning, TV at radio-based instructions.

Sakop nito ang pagkakaroon ng internet connection, laptop, computers at television sets.

“To ensure the success of the School Year 2020-2021, various and different learning materials such as SLMs, self-learning kits, learning packets, videos, scripts for radio-based and TV-based instruction among others are being prepared by our supervisors, school heads, and teachers,” dagdag pa ni Capulong.

Kasabay nito ay naglaan ng P41 milyong pondo ang IloIlo City para sa learning modules.

Sinabi ni Mayor Jerry Treñas na manggagaling ang pondo sa supplemetal budget.

Dagdag pa niya, kailangan ng mahigit P320 milyong budget para sa mga materyales na gagamitin sa modular learning upang mabigyan ang lahat ng mag-aaral sa siyudad.

Sa ngayon ay mayroon nang 2,663,065 enrollees ang DepEd. Mahigit 11 milyon ang mga mag-aaral sa elemetarya at mahigit 7 milyon sa sekondarya. Habang nasa 2.4 milyon ang para sa senior high school at 319,808 sa alternative learning system o ALS.