Nation

P7.8-B INILAAN NG KAMARA SA UNDERNOURISHED CHILDREN

/ 2 November 2021

KINUMPIRMA ni Anakalusugan Partylist Rep. Michael Defensor na nasa P7.8-bilyon ang inilaan nilang pondo para sa susunod na taon sa feeding programs sa 3.6 milyong undernourished children.

“We are counting on the national government’s targeted feeding programs to help improve the nutritional and overall health condition of children from poverty-stricken families who continue to suffer from hunger,” pahayag ni Defensor, vice chairperson ng House committee on welfare of children.

Sinabi ni Defensor na ang Supplemental Feeding Program ng Department of Social Welfare and Development ay pinaglaanan ng P4.2 bilyon para sa pagkain at gatas sa 1.9 milyong bata na may edad dalawa hanggang lima sa loob ng 120 araw.

“The program targets underfed children who are not formally enrolled in Kindergarten,” paliwanag ni Defensor.

Ang School-Based Feeding Program ng Department of Education ay pinondohan ng P3.3 bilyon para sa suplay ng nutritious food products at fresh milk sa 1.7 milyong mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6 sa loob din ng 120 araw.

“The SBFP targets wasted and severely wasted learners, or those deemed too skinny for their age,” diin ni Defensor.

Bukod dito, sinabi ni Defensor na ang Complementary Feeding Program ng Department of Health ay paglalaanan ng P250 milyon para sa therapeutic milk at protein-enriched meals para sa infants na may edad anim hanggang 23 buwan, gayundin sa breastfeeding mothers.

Maging ang National Nutrition Council ng DOH ay may P139 milyon para sa Early Childhood Care and Development para sa First 1,000 Days Program.

Layon ng programa na tulungan ang mga lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng nutrisyon sa mga buntis.