Nation

P60 KADA BUWAN LANG PUWEDE NANG KUMONSULTA SA DOKTOR

/ 8 March 2021

Sa kasalukuyan, marami sa mga ordinaryong Pinoy ang tinitiis ang nararamdamang sakit at mag-self medicate kaysa magpatingin sa doktor dahil sa taas ng halaga ng pagpapakonsulta. Dumagdag pa rito ang pandemya kung saan mas lalong natakot ang mga Filipino na pumunta sa ospital at klinika.

Pero alam mo ba na sa halos katumbas na presyo lamang ng isang burger meal, maaari mo nang ikonsulta sa doktor ang iniindang karamdaman, hindi lamang isang beses, kundi kahit paulit-ulit pa nang hindi umaalis ng bahay?

Sa tulong ng KonsultaMD, puwede mo nang kausapin ang doktor hanggang gusto mo gamit ang iyong cellphone o landline sa halagang P60 kada buwan. Bonus pa rito, hindi mo na kailangang makipagsapalaran sa pagpunta at pagpila sa mga ospital at healthcare facilities. Tipid ka na sa oras at pamasahe, abot-kaya pa ang check-up mo sa mga dekalibreng doktor!

Kung gusto mo na ang iyong asawa, anak, magulang, o iba pang mga kasambahay ay magkaroon din ng madaliang access sa mura at kalidad na serbisyong medikal kahit saan pa man o kahit anong oras pa, maaari mong kunin ang Partner 99 o Group 150 na monthly plan ng KonsultaMD. Kung may extra ka pa namang budget, maaari mong i-avail ang mga annual plan gaya ng Personal, Partner o kaya Family na nagkakahalaga ng mula P499 hanggang P999.

Bukod sa unlimited na tawag para sa health consultation, maaari mo ring maka-video chat si Dok nang libre. Depende sa kung anong serbisyo ang pipiliin, maaaring mag-video call kay Dok  mula isa hanggang 48 na beses. Sa video call, para na rin kayong nasa actual clinic ni Dok, hindi ka pa exposed sa posibilidad ng Covid19. Mabibigyan ka rin ni Dok ng reseta ng gamot pati na rin ng kahilingan sa pagpapalaboratoryo at medical certificate para sa trabaho.

Ang mga lisensiyadong doktor ng KonsultaMD ang magiging katuwang mo sa pagsagot sa mga katanungan ukol sa mga nararamdamang sakit gaya na lamang ng ubo, lagnat, sipon, trangkaso, sore eyes, urinary tract infection, bronchitis, rashes, allergies, hika, at iba pa. Kaya rin nilang sagutin ang mga katanungan sa pagbubuntis, mental disorders at first aid. Hindi mo na rin kailangang ilabas pa ang mga anak mo dahil may mga pediatrician din sa hanay ng mga doktor ng KonsultaMD.

Maaari kang mag-subscribe sa pamamagitan ng pag-download ng KonsultaMD app mula sa App Store para sa iOS o Google Play Store para sa Android o sa pamamagitan ng pagtawag sa 02-79880 gamit ang mobile o (02) 7798 8000 gamit ang landline. Ang mga tawag sa mobile hotline ay libre para sa mga customer ng Globe at TM.

Ang KonsultaMD ay isang 24/7 serbisyong pangkalusugan na nagbibigay ng access sa mga lisensiyadong doktor para sa agarang medikal na atensiyon gamit ang telepono o app. Pinatatakbo ito ng Global Telehealth, Inc., na binubuo ng pinagsamang puwersa ng 917Ventures, na pagmamay-ari ng Globe Telecom Inc. at Salud Interactiva ng Mexico.

Sinusuportahan ng KonsultaMD ang United Nations Sustainable Development Goals (UN SDG), partikular ang Goal # 3 na tinitiyak ang malusog na pangangatawan para sa lahat.

Upang malaman ang iba pang mga bagay ukol sa mga produkto at serbisyo ng KonsultaMD, bisitahin ang https://www.konsulta.md/.