P5K INSTRUCTIONAL MATERIALS ALLOWANCE SA MGA GURO ISINUSULONG
ISA PANG panukala para sa dagdag na benepisyo sa mga guro ang isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso
Sa House Bill 0871, nais ni A Teacher Partylist Rep. Ma. Victoria Umali na magkaroon din ng instructional materials allowance ang mga guro.
“These instructional materials come in the form of test papers, instruction module presentation, charts for clarity of explanation, maps, and other necessary tools that regularly cost money to produce and can only be used once for every student or every class session to enhance the teaching-learning interaction,” pahayag ni Umali sa kanyang explanatory note.
Sa kanyang panukala, kabuuang P5,000 kada buwan ang dapat na ipagkaloob sa mga public shool teacher ng basic and higher education sa buong bansa, kabilang na ang mga nasa alternative learning system.
Nakasaad sa panukala na magkakaroon ng adjustment sa allowance kada limang taon upang makatugon pa rin sa pangangailangan ng mga guro.
Ipinaliwanag ni Umali na kung hindi pagkakalooban ng allowance ang mga guro, maibabawas pa sa maliit na suweldo ng mga ito ang pambili ng kanilang mga kailangang gamit sa pagtuturo.
Sa sandaling maging batas, ang pondo para sa allowance ng mga guro ay magmumula sa annual budget ng Department of Education, at ng state univerisities and colleges.