Nation

P5.97-B FEEDING PROGRAM SA MGA ESTUDYANTE SA GITNA NG PANDEMYA

/ 25 September 2020

HINDI magiging hadlang ang Covid19 pandemic sa programa ng pamahalaan na matiyak ang maayos na kalusugan ng mga kabataang estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng masusustansiyang pagkain.

Ito ang binigyang-diin ni Senadora Grace Poe sa pagkumpirma na may P5.97 bilyong pondo na nakalaan para sa school-based program sa ilalim ng 2021 proposed budget ng Department of Education.

“In the midst of the pandemic, no child should worry about when his next meal will be,” pahayag ni Poe.

Si Poe ang may akda ng Republic Act 11037 o ang Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act na naglalayong malunasan ang pagkagutom at undernutrition sa mga bata.

Gayunman, sa halip na sa mga paaralan, inihayag ng DepEd na irarasyon ang nutritious food products sa mga bahay ng mga estudyante o maaaring pick-up-in ng mga magulang sa paaralan.

Kabilang sa target beneficiaries ang mga incoming kindergarten at mga Grade 1 hanggang Gade 6 na nangangailangan ng nutrisyon.

“Good nutrition is unquestionably linked to a child’s growth and development. Nutritional intervention at a very early stage will give our children greater fighting chance to survive life-threatening disease and enhance physical, intellectual, social, emotional and moral development,” dagdag pa ni Poe.

Sa 2020 report ng World Bank sa Human Capital Index, bumagsak ang Filipinas  sa 0.52 mula sa 0.55 noong 2018.

Ipinakikita  ng index ang human capital potential ng mga bata kung saan ang may iskor  na ‘one’ ay nangangahulugan ng mas maayos na human capital status.

Bagama’t bumaba ang iskor  ng Filipinas, sinabi ng World Bank na kabilang ang bansa sa may magandang improvement sa nakalipas na dekada kasunod ng Singapore, Morocco at Ghana.

“We cannot change our ranking overnight but consistent implementation of our feeding program makes great strides toward eliminating threats to our children’s health,” diiin pa ng senadora.