P3.41-B PONDO IBINUHOS SA TECH-VOC SCHOLARS
AABOT sa P3.41 bilyon ang inilaang pondo ng Department of Budget and Management para sa edukasyon ng technical-vocational students.
Ito ay nakapaloob sa inaprubahang Special Allotment Release Order ng Department of Labor and Employment – Technical Education and Skills Development Authority ni DBM Secretary Amenah F. Pangandaman nitong Pebrero 5 upang maipatupad ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
Ang SARO at ang kaukulang Notice of Cash Allocation ay pantustos sa tertiatry education para sa lahat ng estudyanteng Pilipino na naka-enroll sa Technical Vocational Institutions na nakarehistro sa ilalim ng TESDA.
Sinabi ng Kalihim na ang napapanahong pagpapalabas ng pondo ay isa sa mga hakbangin ng gobyerno para maisulong ang kakayahan ng mga Pilipino bilang tugon din sa paglalagay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mataas na premium sa edukasyon at maging sa human capital development.