Nation

P3.37-B KAILANGAN SA PAGPAPAGAWA SA MGA ISKUL NA WINASAK NI ‘ODETTE’

/ 29 December 2021

AABOT sa P3.37 bilyon ang kakailanganing pondo para sa pagpapagawa sa mga eskuwelahang winasak ng bagyong Odette.

Ayon kay Department of Education Secretary Leonor Briones, nasa 3,402 ang bilang ng mga naapektuhang eskuwelahan matapos manalanta ang bagyong Odette.

Sinabi ni Briones na nakapagtala ang ahensiya ng 1,086 totally damaged schools at 1,316 partially damaged schools.

Sa ngayon, aniya, ay may P230 milyong Quick Response Fund na natitira ang DepEd.

Sa naturang halaga, P3 milyon ang nasa DepEd central office habang ang P227 milyon ay nasa regional offices.

“In our estimates, because we want to recover, we want to build. We will need and beg for consideration as we will be probably using a portion of the 2022 budget for rehabilitation,” wika ni Briones.