Nation

P2,500 ALLOWANCE SA NAVOTAS SPED SCHOLARS

/ 16 July 2021

NAGSIMULA nang mamahagi ang pamahalaang lokal ng Navotas ng cash allowance sa special education students.

Nasa 375 benepisyaryo ng Persons with Disabilities  Students Educational Assistance/Scholarship ang nakatanggap ng kanilang January-May cash allowance na nagkakahalaga ng P2,500.

Sa naturang bilang, 341 ang elementary students, 12 ang high school, at 22 ang kasalukuyang naka-enroll sa Navotas Polytechnic College.

Sa ilalim ng programa, magbibigay ang Navotas LGU sa PWD students ng P500 monthly educational assistance o P5,000 kada academic year.

“This school year has been difficult for our learners, especially those who are differently-abled. We hope that through the educational assistance, we were able to lessen their worries and help them cope with the challenges brought about by the pandemic,” wika ni Mayor Toby Tiangco.

Ang mga aplikante sa programa ay kailangang Navoteños o ang kahit isa sa kanilang mga magulang/guardian ay bonifide resident at rehistradong botante sa Navotas.

Dapat silang magpatala sa isang pampublikong paaralan o anumang paaralan na SPED sa loob ng lungsod.

Dapat din silang may PWD identification card na inisyu o validated ng Persons with Disability Affairs Office at ang kanilang pamilya ay hindi benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.