P20K SRI NG TEACHERS, SCHOOL PERSONNEL ILALABAS NA
ILALABAS na ng Department of Education ang P20,000 Service Recognition Incentive para sa mga guro at non-teaching personnel, una para sa mga kawani ng ahensiya na makatanggap ng maximum grant na pinapayagan simula Disyembre 20, 2024.
Gaya ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nagtulungan sina Education Secretary Sonny Angara at Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman para maibigay ang buong halagang P20,000 SRI para sa 2024.
Kasunod ng pagpapalabas ng Administrative Order No. 27 ng Office of the President, sinimulan na ng DepEd ang pagproseso ng mga kinakailangan para sa disbursement ng SRI 2024 — ang pinakamalaki sa kasaysayan para sa DepEd.
Inulit ni Secretary Angara ang kanyang pasasalamat kina Pangulong Marcos at Secretary Pangandaman sa pagtiyak na ang mga guro at non-teaching personnel ay mabibigyan ng buong SRI na pinahihintulutan para sa kanilang hindi natitinag na pangako sa basic education.
Kasunod ng paglabas ng DBM Circular Letter at DepEd Memorandum sa FY 2024 SRI, ang pondo ng SRI ay ida-download sa Regional Offices sa Disyembre 20, 2024, para sa agarang pagbabayad.