Nation

P20-M US GRANTS PARA SA PH OUT- OF-SCHOOL YOUTH

/ 7 June 2023

AABOT sa P20-million grants ang ipinagkaloob ng United States Agency for International Development sa Philippine Higher Educational Institutions para sa mga programa na pakikinabangan ng out of school youth .

Ang pondo na ipinagkaloob sa ilalim ng USAID Opportunity 2.0 program, ay binubuo ng O2 GAIN Grants para sa lokal na development priorities para sa mga OSY, at O2-ASPIRE Grants, na susuporta sa partnership ng mga lokal na HEI at HEI sa Estados Unidos tungo sa pag-asenso ng mga OSY.

Ang mga grant ay gagamitin sa academic research, pag-tuklas ng technological solutions, at pagpapahusay ng kalidad ng serbisyo para sa mga OSY.

Ang pag-anunsiyo sa bagong grant ay ginawa ni USAID Mission Director Ryan Washburn sa Opportunity 2.0 program Higher Education Learning Summit sa Quezon City, na dinaluhan ng mahigit 200 USAID partners sa bansa.

Ang Opportunity 2.0 program ay nakatulong na sa mahigit 35,000 kabataang Pilipino, sa paghahanap ng trabaho, pagsisimula ng negosyo, at pagbabalik sa pag-aaral.