P1K ALLOWANCE SA SUC PERSONNEL HINILING
Dapat itaas sa P1,000 ang buwanang allowance ng mga teaching at non-teaching personnel ng state universities and colleges sa bansa.
Ito ang iginiit ni Dr. Tirso Ronquillo, presidente ng Philippine Association of State Universities and Colleges, sa briefing ng House Committee on Higher and Technical Education kaugnay sa budget ng SUCs.
Sinabi ni Ronquillo na ‘grossly inadequate’ ang P300 buwanang allowance para sa implementasyon ng flexible learning scheme, partikular na sa gastusin sa mobile data.
Ipinaliwanag ni Ronquillo na tuloy sa work from home ang mga non-teaching personnel bilang bahagi ng kanilang non-skeletal workforce dahil sa Covid19 pandemic.
“Some miscellaneous expenses were added in the performance of respective tasks that include cost of mobile data internet subscription, face masks, face shields, sanitary kits and others. Other necessary expenses incurred to ensure their safety and protection,” paliwanag ni Ronquillo.
“It is requested therefore to this honorable body that an appropriations for annual cash allowance among teaching and non-teaching personnel, similar to what was granted to teaching personnel of DepEd be provided. We propose an amount of at least 1,000 per month to cover necessary expenses during Covid19 pandemic,” dagdag pa niya.
Sinabi pa ni Ronquillo na dapat payagan din ang mga faculty member na nasa ilalim ng contract of service at job order na mag-reimburse ng kanilang mga gastusin.
Iginiit ni Ronquillo na dapat magkaroon ng special provision sa 2022 General Appropriations Act sa nasabing usapin.