P15.15-B PARA SA KONSTRUKSIYON NG 4,912 CLASSROOMS APRUB SA DBM
NAGLAAN ang pamahalaan ng P15.15 billion para sa konstruksiyon ng 4,912 classrooms sa 1,194 lugar sa buong bansa, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
NAGLAAN ang pamahalaan ng P15.15 billion para sa konstruksiyon ng 4,912 classrooms sa 1,194 lugar sa buong bansa, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na noong Mayo 15 ay inaprubahan na nila ang joint request ng Department of Public Works and Highways at ng Department of Education na P15,151,709,646 budget para sa nasabing proyekto.
Ang budget ay gagamitin sa construction, replacement, at completion ng mga silid-aralan para sa kindergarten, elementary, at secondary school buildings, gayundin sa technical vocational laboratories.
Sa nasabing pondo rin kukunin ang budget para sa installation o replacement ng mga nasirang pasilidad, construction ng water and sanitation facilities, at site improvement, ayon sa DBM.
“On the other hand, PHP131,427,470 will be used for Engineering and Administrative Overhead (EAO) expenses,” ayon kay Pangandaman.
Sakop din ng nasabing pondo ang gastusin para sa hiring ng kinakailangang indibidwal; conduct of preliminary and detailed engineering activities; pre-construction activities; construction project management; at testing and quality control.