Nation

P115.53-M IPINALABAS NG SSS PARA SA EDUCATIONAL LOANS NG MGA MIYEMBRO

/ 25 July 2021

AABOT sa P115.53 million ang ipinalabas ng Social Security System para sa disbursement ng educational loans sa unang anim na buwan ng 2021.

Nasa 52.5% o P39.75 million ang inilaan sa educational loans sa unang anim na buwan ng taon, na mas mataas kumpara sa kaparehong panahon noong 2020.

Ipinaliwanag ng SSS na tumaas ang educational loan disbursement dahil sa flexible learning kung saan kinailangan ito sa pag-upgrade ng mga laptop at iba pang learning gadgets at sa iba pang expenses tulad ng internet connection.

“Flexible learning during the new normal entails additional expenses—specifically for our students who need to purchase or upgrade their laptop/computer/tablet as well as select a good internet plan for a more stable connection. Despite the virtual and challenging setup, SSS continuously offers the Educational Loan Assistance Program to give opportunities to our members and their beneficiaries who want to finish their studies,” wika ni SSS President and CEO Aurora Ignacio

Ang SSS Educational Assistance Loan Program ay gumagana na simula noong 2012 para tulungan ang mga miyembro sa kanilang educational expenses para sa undergraduate/college degrees, gayundin sa vocational o technical courses.

Ang mga eligible borrower ay nasa edad 60 pababa na may actual monthly basic income na P25,000.00 o mas mababa pa at may 36 posted contributions, kung saan ang anim ay posted sa loob ng 12 buwan bago ang paghahain ng EALP application.