Nation

P10.4-B INFRA DAMAGE SA DEPED NINA ‘ROLLY’ AT ‘ULYSSES’

/ 28 November 2020

PUMALO na sa P10.4 bilyon ang halaga ng mga learning material, paaralan at iba pang istruktura ng Department of Education na winasak ng magkasunod ng bagyong Rolly at Ulysses.

Sa anunsiyo ng DepEd, ang nasabing danyos ng magkasunod na bagyo ay sa Luzon lamang.

“In total, from Rolly, infrastructure damage alone is at P6.6 billion, as estimated by our DRRMS (Disaster Risk Reduction and Management Service),” pahayag ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan .

Paglilinaw ni Malaluan, hindi pa kasama sa nasabing halaga ang mga  non-infrastructure, kabilang ang furniture, learning materials, at computers.

Sa record, ang mga matinding naapektuhan ay ang Bicol Region kung  saan 1,650 classrooms ang winasak ng Bagyong Rolly.

Samantala, P3.8 bilyon naman ang napinsala ng Bagyong Ulysses sa imprastraktura mula sa education sector.

“Because of the flooding nature of Ulysses, the non-infrastructure [damage] was quite big,” dagdag pa ni Malaluan.

Ang naturang halaga ay mas malaki ng halos 50 porsiyento sa pagtaya ni Education Secretary Leonor Briones na P5.6 billion.